MAAARING tumaas ang wine imports ng bansa ngayong taon ng 16 percent sa 16 million liters sa likod ng lumalagong ekonomiya at ng mataas na demand para sa alcohol ng mga kabataan.
Sa report ng Global Agricultural Information Network (Gain), sinabing ang total volume ng imported wine ngayong taon ay sisirit ng 2.2 million liters mula sa 13.8 million liters na naitala noong 2017.
“Traders forecast 15-20 percent growth in 2018,” nakasaad sa report ng Gain, na inihanda ng USDA-Foreign Agricultural Service (Post) sa Manila.
“[The] country’s robust economy, wine’s increasing popularity, a young and growing population, and low relative consumption, create an extraordinary profile that makes the Philippines one of the most exciting wine markets in the world,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa report ng Gain, ang alak ay bumubuo sa walang isang porsiyento ng tinatatang 2.5 billion liters ng alcoholic beverages na kinokonsumo taon-taon sa Pilipinas.
Sa pagtaya ng USDA-FAS sa Manila, maitatala ang double-digit growth sa imports sa kabila ng trade challenges na nakasasagabal sa pagpasok ng mas murang alak sa local market tulad ng mataas na taripa at buwis, gayundin ng paghina ng piso.
“Challenges include tariffs and taxes that inflate the final price by 75 percent, the strong U.S. dollar, distribution set-backs, and intense competition due to regional free-trade agreements,” sabi pa sa report.
Ang wine import bill ng bansa ngayong taon ay tinatayang aabot sa record-high $58 million, mas mataas ng 16.46 percent sa $49.8 million na naitala noong 2017.
“From 2000 to 2017, the volume of wine exports to the Philippines tripled to 13.8 million liters (1.5 million cases), while the value nearly quintupled to $49.8 million,” nakasaad pa sa report.
“Continued growth in wine consumption is presaged by the country’s young, fast-growing and highly urbanized population with increasingly sophisticated tastes and ever-growing access to supermarkets,” dagdag pa nito. JASPER ARCALAS
Comments are closed.