MAHIHIGITAN ng economic growth ng Pilipinas ang target ceiling ng pamahalaan na 4% hanggang 5% ngayong taon, ayon sa Global Source Partners, isang think tank na naka-base sa New York
“The Philippine economy withstood a Delta-driven surge in Q3 [third quarter] and is set to end the year on a high note,” pahayag ng think tank sa isang research note.
“We forecast GDP growth at 5.5% this year and next, bringing domestic output to pre-pandemic levels only by late 2022,” dagdag pa nito.
Ang ekonomiya, na sinusukat ng gross domestic product (GDP) — ang total value ng goods at services na naprodyus sa isang bansa sa ispesipikong panahon — ay lumago ng 7.1% sa third quarter, isang reversal mula sa contraction na 11.4% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, bagaman mas mababa kumpara sa 12% growth na naiposte sa second quarter ng 2021.
Ang July-September GDP print ay nagtulak sa year-to-date growth sa 4.9%, pasok sa upper end ng revised target band ng pamahalaan na 4% hanggang 5% para sa buong 2021.
Sinabi ng Global Source na ang kanilang pagtaya ay base sa dalawang kritikal na assumptions: “epektibo ang mga kasalukuyang bakuna kontra Omicron, ang pinakabagong ‘variant of concern,’ para maiwasan ang sakit; at magiging credible ang national at local elections na nakatakda sa May 2022.”
“Even against this backdrop, the year ahead will be quite challenging, having to contend with all the ills that followed COVID-19 out of Pandora’s box,” ayon sa think tank.