(Sa pagtaya ni Diokno) PH ECONOMY LALAGO NG 7% SA Q1 2023

POSIBLENG lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7% sa first quarter ng 2023, ayon kay chief economic manager Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ginawa ni Diokno ang pahayag nang tanungin sa isang open forum ng mga reporter hinggil sa kanyang gross domestic product (GDP) forecast noong Biyernes.

“Nag-iisip pa ako… 7 percent,” sabi ni Diokno.

Ang pagtaya ay ginawa ng Finance Secretary sa parehong araw na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na
bumagal ang inflation sa 7.6% noong March.

Nauna ring iniulat ng PSA na patuloy ang Philippine economy sa growth trajectory nito sa huling tatlong buwan
ng 2022, na nagtulak sa full-year gross domestic product (GDP) na mahigitan ang target ceiling ng pamahalaan.

Ang ekonomiya ay lumago ng 7.2% noong October hanggang December 2022.

Nakatakdang ilabas ng pamahalaan ang official first-quarter economic growth figures sa May.