(Sa pagtunton ng C19 infected) POLICE FORCE KATUWANG NG HEALTH AUTHORITIES –GEN. GAMBOA

Archie Gamboa

CAMP CRAME-NANINDIGAN si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na magpapatuloy ang kanilang pag-assist sa health authorities para tuntunin ang mga infected ng coronavirus disease (COVID-19) gayundin ang mga nakahalubilo ng mga ito.

Paliwanag ni Gamboa, nagbuo na sila ng panibagong operational support upang makapagbigay ng overall strategic response to the CO­VID-19 crisis.

Aniya, bagaman nasa 96% ang iniangat ng pagsisikap ng gobyerno para matukoy ang COVID-19 carriers, hindi anila sila magpapakampante at patuloy na tutulungan ang health authorities na hanapin ang nawawalang 4%.

Ang pangunahing layunin aniya ng paghahanap sa mga infected ay upang madala ang mga ito sa isolation and quarantine facilities upang mapigilan ang paglaganap ng naturang sakit.

Sakali aniyang ma-isolate ang mga nahawahan ng coronavirus, maituturing na kalahati ng problema hinggil sa pandemya ay naresolba sa bansa.

Aminado naman si Gamboa na isa sa challenge sa contact tracing ay ang data privacy law kung kaya ang tracing capability lamang ng PNP ay umaabot sa 76% sa Metro Maila at may kababaan sa ibang lugar.

Pinasalamatan naman ni Gamboa si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa iniharap na “contact tracing ecosystem” na nilikha mula sa partnership sng health workers at police public safety specialist. EUNICE C.

Comments are closed.