(Sa paligid ng Taal Volcano) 500 MGA PULIS AALISIN NA SA 14 KM PERMANENT DANGER ZONE

Bernard Banac

CAMP CRAME – NAGDESISYON na ang Philippine National Police (PNP) na alisin ang kanilang mga tauhan mula sa 14 kilo­meter Permanent Danger Zone ng Taal Volcano sa Batangas.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac ginawa nila ang pag pull out ng 500 pulis mula sa permanent danger zone dahil na rin sa direktiba ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)  at iba pang awtoridad lalo na’t malaki pa rin ang posibilidad na sumabog ang Bulkang Taal.

Sinabi ni Banac ang 500 pulis ay itatalaga na lamang sa risk control points o malayo sa permanent danger zone.

Sa ngayon mayroong kabuuang 13,000 pulis na kabilang sa search and rescue units na nagpapalitan para tiyakin ang kaligtasan ng mga apektado ng patuloy na pag-aalboroto ng Taal Volcano. REA SARMIENTO

Comments are closed.