NASA P1 bilyon ang lugi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gitna ng COVID-19 crisis, kung saan nabawasan ang operasyon ng paliparan sa pagsisikap ng mga awtoridad na mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na ang P1-billion revenue loss ay naitala noong katapusan ng Abril.
Sa isa sa mga hakbang ng travel sector laban sa COVID-19, sinuspinde ang inbound passenger at commercial flights sa bansa simula noong Mayo 3. Exempted sa suspensiyon ang cargo, utility, maintenance, at emergency flights, gayundin ang mga may lulang medical supplies.
“Because of the suspension, only 2 or 3 passenger flights arrive at NAIA per day, a far cry from the daily average of 768 flights the gateway was used to seeing pre-COVID-19,” sabi ni Monreal.
Dagdag pa niya, ang operasyon ng airport ay below 10% ng capacity nito.
Umaasa, aniya, siya na magbabalik na sa normal ang operasyon ng airport subalit sinabing hanggang asa lang ito dahil nananatili ang restrictions.
“Siguro po we have to build the passenger confidence in terms of traveling,” aniya , at idinagdag na maaari itong matamo kapag sumunod ang mga Filipino sa quarantine rules nang sa gayon ay maging ligtas sa COVID-19 ang mga lugar.
“In the ‘new normal’, airport personnel will be required to use face masks, medical staff will have complete personal protective equipment, and proper hygiene will be strictly enforced,” anang opisyal.
Idinagdag pa niya na naglalagay sila ng social distancing markers at acrylic barriers sa airport counters.
Comments are closed.