(Sa pananalasa ni Tisoy;  2 patay sa Mindoro) KABI-KABILANG EVAC CENTERS NAITALA

evacuation centers

DAHIL sa bagsik ng Bagyong Tisoy, aabot sa  38,000 katao o 14,000 pamilya ang lumikas sa kanilang tahanan mula sa Mauba, Quezon.

Ayon kay Gov. Danilo Suarez, inatasan na niya ang local government units na magdesisyon para ipatupad ang pagpapalikas sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon pa kay Suarez, umabot na rin sa 4 meters ang  storm surge  sa mga dalampasigan su­balit nananatiling ma­nageable ang sitwasyon.

Sa Region 7, aabot sa 5,413 pamilya ang inilikas, ayon kay  Cebu Police chief Col. Roderick Mariano. Habang 296 pasahero ang na-stranded habang 96 na barko at 136 sasakyan ang tumigil.

Samantala, dalawa ang nasawi sa Oriental MIndoro.

Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Hubert Dolor ang mga biktima ay mula sa Baco at Pinamalayan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.