(Sa papatinding inflation sa bansa) TAAS-SINGIL SA TUBIG, KORYENTE PAGHANDAAN

Bernadette Herrera

NANAWAGAN si Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera sa publiko na paghandaan ang pagtaas ng singil sa koryente, tubig, at iba pang utilities sa harap ng papatinding inflation na mararanasan sa bansa.

Ito ay matapos na pumalo sa halos P55 ang palitan ng kada isang dolyar.

Ayon kay Herrera, dapat ding ihanda ng pamahalaan ang mga kinakailangang subsidiya para sa mahihirap at middle-income households.

Gayundin ang lahat ng economic agencies sa nakaambang pagsirit ng inflation dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.

Hinikayat naman ni Herrera ang Energy Regulatory Commission (ERC), Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Water Regulatory Agencies na desisyunan na ang mga petisyon kaugnay sa mga refund at rebates.

– DWIZ 882