(Sa paseksihan) SHERYL CRUZ AYAW PAKABOG SA PINSAN NA SI SUNSHINE

AT 40, mara­ming napa-wow sa alindog at kaseksihan ni Sunshine Cruz lalong-lalowallface na nang lumabas siya sa isang pelikulang may temang kaseksihan kung saan ay may bed scene siya kasama ang young actor na si Enzo Pineda.

But wait, ‘di rin nagpakabog ang kanyang pinsan na si Sheryl Cruz dahil sa paglabas ng mga sexy pictures niya sa isang online magazine at may caption na #older woman got better. Sa naturang larawan ay naka­damit pantulog si Sheryl, at halos labas na ang kalahati ng kanyang mayamang dibdib at nakaupo sa ibabaw ng kama.

First time na nagpaka-todo sexy si Sheryl sa isang pictorial at pumatok naman ito sa netizens na nagsasabing yummy pa rin ang byuti ng actress. Ani ni Sheryl na­ging malaking factor ang kanyang pagiging older woman para gumawa ng isang mapangahas na hakbang. Dati rati raw noon kabataan pa niya ay wala siyang enough courage na magpakita ng skin o magpa-sexy. Ngayon ay wala na raw siyang pagpapaalaman kung gagawin ba niya ito o hindi na, maliban na lang daw na sa kanyang anak na ngayon ay isang nang ganap na dalaga.

Sa America naka-base ang unika hija ni Sheryl at madalas niya itong bisitahin doon. Sa ngayon ay abalang-abala ang byuti ni Sheryl sa bago niyang teleserye sa Siete, ang “Magkaagaw’ kasama sina Jeric Gonzales at Klea Pineda.

BARBIE FORTEZA NAMI-MISS GUMAWA NG PELIKULA

AMINADO ang Kapuso young actress na si Barbie Forteza na sa kabila ng kanyang pagiging hectic schedule sa mga sunod-sunod na projects na binibigay sa kanya ng Siyete ay may isa pa raw siyang nami-miss gawin, ang gumawa ng seryosong pelikula.

Ani ni Barbie, matagal-tagal na rin naman na nakagawa siya ng isang pelikulang humamon sa kanyang kakayanan sa heavy drama, ang “Laut” kung saan ay nanalo pa siya rito ng best actress award sa isang international film festival na sinalihan ng naturang pelikula.

Nitong mga huling project kasi ni Barbie ay hindi masyadong mabibigat ang kanyang mga eksena, bukod siempre sa “Kara Mia” kung saan ay may halong pantasya naman ito. At ngayon naman ay may bago siyang mini teleserye na ipapalabas sa “Wagas” ang “Wait Lang… Is This Love” kasama sina Jak Roberto at Kristoffer Martin at suportado nina Tina Paner, Yayo Aguila at marami pang iba.

Dagdag na say pa ni Barbie, excited na muli siyang lumabas sa isang indie movie at mapaghamon na role sa pelikula.

Comments are closed.