INANUNSIYO ng San Miguel Corporation (SMC) nitong Biyernes na libre ang toll sa mga expressway nito sa mga piling oras sa holidays —December 24-25, 2024, at December 31, 2024-January 1, 2025.
Ayon sa SMC, ang toll-free schedule ay ang mga sumusunod:
• 10:00 p.m. sa December 24 hanggang 6:00 a.m. sa December 25
• 10:00 p.m. sa December 31 hanggang 6:00 a.m. sa January 1
Ang mga expressway na pinatatakbo ng SMC ay ang Skyway System,
NAIA Expressway (NAIAX),
South Luzon Expressway (SLEX),
STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)
“This is our way of saying thank you to everyone who uses the expressways we operate. It’s something we look forward to every year because it helps thousands of motorists get home to their families a little easier, especially during Christmas and New Year,” wika ni SMC Chairman Ramon S. Ang.
Upang masiguro ang kaligtasan at maayos na biyahe, ang SMC ay magde-deploy ng mga patroller at security personnel sa mga kritikal na lugar. Nakaantabay rin ang emergency response teams simula Biyernes.
Ang roadworks na makaaapekto sa daloy ng trapiko ay suspendido mula Biyernes ng tanghali hanggang January 3, 2025, at ipoposisyon din ang tow trucks at emergency vehicles.
Nakipag-ugnayan na rin ang SMC sa local governments upang tugunan ang traffic bottlenecks na kadalasang sanhi ng pagsisikip sa local roads patungo sa expressway exits.