NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang 4,000 metric tons ng smuggled na Thailand white refined sugar mula sa isang barkong dumaong sa Port of Batangas.
Ayon sa BOC, nagkakahalaga ng P261 million ang 80,000 bags ng puting asukal na nakumpiska makaraang dumating ang MV Sunward sa port nang walang notice of arrival na itinatakda ng batas.
Sinabi rin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang permit ang cargo, dahilan para kumpiskahin ng mga awtoridad ang shipment.
Agad na naglabas si District Collector Ma. Rhea M. Gregorio ng Warrant of Seizure and Detention sa smuggled sugar makaraang labagin nito ang mga provision ng Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at Food Safety Act of 2013, kasama amg rules and regulations na itinakda ng SRA at ng Bureau of Plant Industry.
“As an ISO-Certified Port, Batangas has a foolproof system that safeguards its area of responsibility against attempts to smuggle prohibited and regulated goods into the country,” sabi ng BOC.