(Sa Q1 2023)P19.22-B SMUGGLED GOODS NAKUMPISKA

MAY P19.22-B na halaga ng smuggled goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa first quarter ng 2023.

Ayon sa BOC, kabilang sa top seized items sa unang tatlong buwan ng taon ay counterfeit goods na nagkakahalaga ng mahigit sa P13.249 billion; agricultural products, mahigit sa P2.552 billion; cigarettes and tobacco products na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.748 billion; at illegal drugs, P849 million.

Kabilang din sa mga nakumpiskang produkto ay general merchandise, steel products, electronics, medical supplies, jewelry, food, chemicals, currency, fuel, at oil.

Nasa 48 importers at 19 customs brokers ang tinanggalan din ng accreditation dahil sa paglabag sa Customs laws, rules, and regulations.

Ayon sa BOC, nakipag-ugnayan na sila sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at international organizations para mapaghusay ang border security at masugpo ang smuggling syndicates.

Binigyang-diin ni Customs Commissioner Bien Rubio na hindi nila kukunsintihin ang anumang ilegal na gawain na nagiging banta sa kapakanan at seguridad ng bansa.