(Sa Q1 ng 2022) PH AANGKAT NG 60K MT NA ISDA

INANUNSIYO ni Agriculture Secretary William Dar na inaprubahan na niya ang pag-aangkar ng 60,000 metric tons (MT) ng isda para sa first quarter ng 2022 para madagdagan ang local production sa gitna ng tinatayang kakulangan sa supply.

“I just signed yesterday a certificate for the need to import for this first quarter, the amount of 60,000 MT of small pelagic fishes to be imported for this first quarter of the year,” sabi ni Dar sa Laging Handa briefing.

Tinukoy ang datos mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sinabi ni Dar na ang bansa ay may potential deficit na  119,000 MT ngayong quarter.

Idinagdag pa niya na kailangan ang dagdag na supply ng isda dahil na rin sa pinsalang dulot ng bagyong Odette sa  fishing sector.

“There is Typhoon Odette so we cannot just say that the fishing sector continues to be normal. They are the number one in the subsector of agriculture that was badly hit,” ani Dar.

Sa datos mula sa DA, ang tinatayang pinsala sa fishing industry ng bagyo ay nasa P3.97 billion.

Paliwanag pa ni Dar, ang pag-aangkat ng isda ay makatutulong din para mapigilan ang price increase.

“You continue to see inflation, high prices in most of the market for fish. Pangalawa ito sa pork na nagbibigay ng higher contribution sa food inflation (It’s second to pork which contributes to the food inflation),” ani Dar.