(Sa Q2 2023) PRODUKSIYON NG ISDA BUMABA

BUMABA ang produksiyon ng isda sa bansa sa second quarter ng 2023.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), naitala sa negative 11.3% ang fisheries production.

Sa datos ng PSA, mula sa 1,219 point 34 metric tons, bumaba sa 1,082 point 22 metric tons ang total volume para sa second quarter ng taon.

Taon-taon umano bumababa ang produksiyon sa commercial, marine municipal at aquaculture subsector.

Sa commercial fisheries, negative 14.5% ang naitala, habang negative 16.8% sa marine municipal fisheries at negative 8.3% sa aquaculture.

Samantala, tumaas ang produksiyon ng galunggong at sugpo.

-DWIZ 882