ITINAAS ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa third quarter ng 2023 sa 6.0 percent mula sa preliminary estimate na 5.9 percent.
Ang major contributors sa upward revision ay ang manufacturing (tumaas sa 1.8% mula 1.7%), financial and insurance activities (9.6% mula 9.5%), at accommodation and food service activities (21.0% mula 20.0%).
“The Philippine Statistics Authority revises the GDP estimates based on an approved revision policy which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” pahayag ng PSA.
Nanatili naman ang growth rate ng gross national income (GNI) sa 12.1%, habang ang year-on-year growth ng net primary income (NPI) mula sa iba pa sa mundo ay ibinaba sa 111.6% mula 112.5%.