(Sa Q3 ng 2022 – SWS survey)2.9M PAMILYA NAKARANAS NG GUTOM

GUTOM-2

MAY 2.9 milyong pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom sa third quarter ng 2022, halos hindi nag- bago kumpara noong nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa Sept. 29-Oct. 2. 2022 survey, ang unang SWS survey sa ilalim ng Marcos administration, na 11.3 percent ng pamilyang Pinoy ang walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

Kapareho ito ng 11.6 percent o tinatayang 2.9 milyong pamilya na nagutom noong June 2022, at bahagyang mas mababa sa 12.2 percent o 3.1 milyong pamilya noong April 2022.

“However, it is still 1.3 points above the 10 percent (estimated 2.5 million families) in September 2021, and 2.0 points above the pre-pandemic annual average of 9.3 percent in 2019,” ayon sa SWS.

Sinabi ng SWS na ang October 2022 hunger rate ay kabuuan ng 9.1 percent (2.3 milyong pamilya) na nakaranas ng moderate hunger at 2.2 percent (573,000 pamilya) na nakaranas ng severe hunger.

Ang moderate hunger ay tumutukoy sa mga nakaranas ng gutom “only once” o “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan, habang ang severe hunger ay tumutukoy sa mga nakaranas nito nang madalas.

Ayon sa SWS, ang 0.3-point decline sa “overall hunger” ay dahil sa pagbaba sa Balance Luzon o Luzon areas sa labas ng Metro Manila.

Gayunman, lumabas sa survey na ang hunger rate ay tumaas sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

Ang kagutuman ay pinakamataas sa Metro Manila sa 16.3 percent ng mga pamilya. Sumusunod ang Mindanao sa 15.3 percent, Balance Luzon sa 9.6 percent, at Visayas sa 7.0 percent.

Pinakamataas ito sa Metro Manila sa 25 mula sa 99 surveys magmula noong 1998.