(Sa Q4 ng 2020) PH AGRI TRADE BUMULUSOK

Dennis Mapa

BUMABA ang total agricultural trade ng bansa sa fourth quarter ng 2020, na nagkakahalagang USD4.66 billion, sa annual rate na -6.8 percent, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“This was faster than the previous quarter’s annual decrease of -3.3 percent and the fourth quarter of 2019’s annual drop of -0.5 percent,” wika ni PSA Undersecretary Dennis Mapa.

Sa fourth quarter ng 2020, ang agricultural exports ay naitala sa USD1.47 billion, na bumubuo sa 31.5 percent, habang ang imports ay nasa USD3.19 billion.

Ang total balance of trade sa agricultural goods ay negative USD1.72 billion.

Ayon kay Mapa, ang datos ay nagpapakita ng deficit, subalit dahil sa annual increase na 0.1 percent tulad sa  third quarter ng 2020, ang trade deficit ay naitala sa 7.9 percent, habang ang annual rate ng trade deficit sa fourth quarter ng 2019 ay nasa -12 percent.

Ang total value ng agricultural exports ng top 10 commodity groups ay USD1.41 billion o 95.9 percent ng total agricultural export revenue sa fourth quarter ng 2020.

Ang combined export value ng top 10 commodity groups na ito ay nagtala ng annual decrease na -10.4 percent sa nasabing quarter.

“Among the commodity groups, edible fruit, and nuts, as well as the peel of citrus fruit melons, valued at USD485.64 million, comprised the largest share of 33.1 percent of the total agricultural exports,” ayon sa PSA.

Ang agricultural exports ng bansa sa Asean member countries sa fourth quarter ng 2020 ay nagkakahalagang USD175.01 million, na bumubuo sa  6 percent ng total exports sa Asean member countries.

Sa Asean member countries, ang Malaysia ang top destination ng agricultural exports ng bansa.

Umangkat ito ng USD71.6 million o share na 40.9 percent sa total agricultural exports sa Asean member countries.

Samantala, ang exports ng agricultural goods sa European Union member countries sa huling lquarter ng 2020 ay nagkakahalagang USD213.31 million, na bumubuo sa 11.5 percent ng total exports ng bansa sa EU member countries.

Sa EU member countries, ang Netherlands ang top buyer ng agricultural commodities ng bansa, na nagkakahalagang USD 90.57 million o 42.5 percent ng total agricultural exports sa EU member countries. PNA

One thought on “(Sa Q4 ng 2020) PH AGRI TRADE BUMULUSOK”

Comments are closed.