(Sa rami ng lalaking naamoy) JANICE DE BELEN INAMIN NA PINAKA-MABANGONG LALAKI SI GABBY CONCEPCION

JANICE DE BELEN

SUMALANG ang aktres na si Janice de Belen sa Quarantine Chikahan ng celebrity photographer na si Raymund Isaac sa kanyang  Facebookreflection  page kamakailan

Dito, hindi na nakaiwas si Janice na sagutin ang isyu sa kanila ni Gerald Anderson  years ago. Nagkasama sina Janice at Gerald sa Kapamilya serye na “Budoy” noong 2012. Hanggang sa ma-link sila sa isa’t isa.

“Sasagutin  ko na ang tanong  na ,’yan bilang  pumunta na tayo sa tanong na ‘yan bukod sa mabango si Gerald. Yes, totoo naman naman ‘yan,”  pahayag ni Janice.

Dagdag pa niya,   “Gerald and I really developed a really good friendship.  Kasi ako, siguro I have this ability to talk to everybody. I’m able to ask the most dangerous questions without offending you. Kasi, matanong ako, eh. Tapos, pag nagtatanong ako, diretso.”

Kaya napagkuwentuhan daw nila lahat ng tungkol sa buhay ni Gerald. At pag siya naman ang tinatanong ni Gerald about her life, sumasagot daw si Janice.

“We’ve really developed a very good friendship. As in, I look at him as my younger brother. And he looks at me as his older sister. So, we talk about everything. Kahit na nasa party kami, lagi kaming magkadikit. Lagi kaming nagkayakap. Na parang it’s  really nothing.”

Nagulat na lang daw siya pagka-gising niya isang umaga na nili-link na sila kay Gerald.

“Eh, yan yung time na hindi naman kami halos nagkikita because I was busy and he’s busy. Pareho kaming busy na tao. (At) Ngayon talaga kami natsitsismis kung kailan busy kami pareho at hindi naman kami nagkikita.”

Na-impress naman lalo si Raymund kay Janice sa pagsasabi kung ano real score sa kanila ni Gerald.

“Alam mo, Raymund, ang suwerte mo, ha. I really never answer this question, ha…ever.  I never answer this  everytime iniinterbyu ako noon.  Never ko siya sinasagot.”

Feeling daw kasi ni Janice, bakit niya kailangang sagutin ang pointless and stupid question ang isyu sa kanila ni Gerald?

“Kasi, feeling ko that time, nu’ng lumabas ang balitang ‘yan, kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ka naman nila paniniwalaan. Kasi, gumawa na sila ng sarili nilang scenario at conclusion.”

“So parang, why will I answer that question? You already have answers in your mind. You already thought of the whole scenario. Huwag na nating sagutin. Bahala ka na kung ano’ng gusto mo.”

Shinare naman ni Raymund ang pakiramdam ng gaya niya na na nasa outskirt ng showbiz na ang suwerte-suwerte ni Janice dahil naamoy niya si Gerald.

“Marami pa akong artistang naaamoy, by the way. Naamoy ko na  si Enrique (Gil). Naamoy ko na si Enchong (Dee),  si Rayver (Cruz). Guys, sino pa? Mababango sila,” pag-amin ni Janice.

Dahil sa amoy, hinamon tuloy ni Raymund si Janice na magbigay ng limang artistang lalaki na mabango para sa kanya from one to five, in order. Kasama na rin dito ang ang male stars na nakatrabaho niya noon.

“Pinaka-mabango si Gabby Concepcion,” walang kagatol-gatol na sagot ni Janice.

“I’m not joking. Mabango talaga si Gabby,” diin pa niya.

“Kaya ako natutong magpabango ng panglalake for a while, because of Gabby. My favorite scent, remember ‘yung Kourous ng YSL?

“Sobrang ang bango-bango. Hindi ko alam kung dahil bagay sa kanya yung amoy na yon o mabango talaga yung Kourous. I have no idea. So,  talaga ako, ang bango-bango niya. (And) I bought one for myself.”

“Bumili ka para maalaala mo siya (Gabby),” sabat naman ni Raymund.

“Gagah, hindi! Kasi, nababanguhan nga ako. Hello!”

When asked kung sino ang next male star ang pinaka-mabango for her,  wala na raw maisip si Janice.

“Serious, hindi na ako makaisip ng number two

I mean, lahat naman sila mabango. But if I will put them in order kasi, hindi ko magagawa. Pero sure ako, si Gabby ang number one,” paniniyak pa ni Janice.

Aminado rin si Janice na para sa kanya malaking attraction sa isang babae ang mabangong lalaki.

“Importante yung mabango, ‘di ba?  Parang pag mabango siya, nakakadagdag ng 200M points,” sabi pa ni Janice.

Comments are closed.