(Sa rice import duties mula Jan. 1- Oct. 8) P14.3-B NAKOLEKTA NG BOC

UMABOT sa P14.3 billion na duties ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) mula sa 2.18 million metric tons (MT) ng rice shipments na pumasok sa bansa mula January 1 hanggang October 8, 2021.

Sa kanyang report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang revenues na nakolekta mula sa rice imports sa nasabing panahon ay nagmula sa shipments na nagkakahalagang P40.81 billion.

Sa preliminary data ay lumitaw na ang import duties mula January 1 hanggang October 8 ngayong taon ay tumaas ng 3.2% mula  P13.84 billion sa kaparehong panahon noong 2020.

Ayon kay Guerrero, ang average valuation ng bigas para sa naturang panahon ay bahagyang tumaas mula P18,867 per MT noong 2020 sa P18,898 per MT noong 2021.

“Due to the continuous decline of the price of rice in the world market since May 2021, average value of rice per metric ton increased by only 0.2% versus last year,” aniya.

Ang import duties na nakolekta mula sa rice imports simula  March 5, 2019 ay napupunta sa annual P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL).

Comments are closed.