(Sa school year 2023-2024) STUDENT SUICIDES TUMAAS

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na tumataas ang kaso ng mga estudyanteng nagpapakamatay at nagtatangkang magpakamatay.

Sa pahayag sa DepEd, 254 kaso ng suicide ang naitala sa school year 2023-2024, mas mataas kaysa sa 198 cases noong nakaraang taon, at 138  naman noong 2022.

Nasa 1,492 naman ang bilang ng mga batang nasasangkot sa ‘attempted suicide’ sa kasalukuyang school year, mula sa 941 noong 2023, at 519 noong 2022.

Nanindigan  ang DepEd na malaking tulong ang pagkakapasa sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act para maiwasan na ang mga katulad na insidente.

Nakapaloob sa bagong batas ang pagbihis sa mga guidance office bilang ‘care cen­ters’, at paglalagay ng Mental Health Center sa mga Schools Division office.