TINATAYANG nasa 50,000 biyahero ang darating sa bansa sa summer months.
Ayon kay Dana Sandoval, tagapagsalita ng Bureau of Immigration (BI), imatapos na tanggalin ang travel restrictions ay inaasahan nilang bubuhos ang mga turista sa bansa.
Magbubukas naman ang ahensiya ng mga karagdagang immigration counters sa gitna ng kaliwa’t kanang reklamo ng mahabang pila.
Para maiwasan ang paghaba ng pila, sinabi ni Sandoval na nakikipag-ugnayan na sila sa mga stakeholder sa paliparan upang matugunan ito.
DWIZ 882