NASA 46 porsiyento ng mga Pilipino ang tiwalang bubuti ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan, ayon sa first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).
May 28 porsiyento naman ang nagsabi na walang magiging pagbabago sa ekonomiya habang 6 porsiyento ang naniniwalang lalala ito.
Ang net economic optimism score ay +40 na mababa ng apat na puntos sa +44 ra naitala sa naunang survey na isinagawa noong December ng nakaraang taon. Gayunman, ang iskor ay itinuturing pa rin ng SWS na “excellent”.
“The 4-point decline in the national Net Economic Optimism score from December 2021 to April 2022 is due to slight decreases in all areas except in the Visayas,” ayon sa report ng SWS.
Isinagawa ang quarterly nationwide survey sa 1,440 adults noong April 19-27.
Ang sampling error margins ay ±2.6% para sa national percentages at ±5.2% para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.