NANANATILING positibo ang pananaw ng banking industry sa susunod na dalawang taon sa kabila ng macroeconomic challenges, ayon sa 2023 Banking Sector Outlook Survey (BSOS) na inilabas nitong Huwebes.
Kinakalap ng BSOS ang mga sentimyento at pananaw ng mga presidente, chief executive officer, at country manager ng Philippine banks sa susunod na dalawang taon.
Ayon sa BSP, 147 bangko ang tumugon mula sa 173 bangko na sinarbey sa buong banking groups.
Ang total assets ng respondent banks ay bumubuo sa 97.7 percent ng total assets ng banking system ng bansa hanggang December 2023.
“Overall, respondent banks expect double-digit growth in their assets, loans, deposits, and net income, as well as plan to maintain robust capital and liquidity positions to maintain institutional stability,” ayon sa BSP.
Lumitaw sa survey na 64.6 percent ng respondent banks ang umaasa sa matatag na banking system sa susunod na dalawang taon, habang 34.7 percent ang nagtaya sa mas malakas na banking system.
Sinabi ng BSP na 70.1 percent ng respondent banks ang umaasa rin sa double-digit growth sa kanilang assets.
Lumitaw rin sa survey ang improvement sa expectations ng mga bangko sa kalidad ng kanilang loan portfolio kung saan nabawasan ang respondent banks (48.7 percent mula 52.4 percent sa 2022 BSOS) na inaasahan ang non-performing loan (NPL) ratio na mas mataas sa 5 percent sa susunod na dalawang taon.
“Across banking groups, most foreign banks and universal and commercial banks are optimistic, with the former anticipating a less than 1 percent NPL ratio while the latter foreseeing their NPL ratio to settle within the range of 1 to 5 percent,” ayon sa BSP.
Gayunman, lumitaw sa survey na mas maliit na banking groups ang ‘more pessimistic’ dahil mayorya ng thrift, rural, cooperative, at digital banks ang inaasahan ang kanilang NPL ratio na magiging mahigit 5 percent.
ULAT MULA SA PNA