(Sa susunod na linggo) 50 CAREGIVERS IDE-DEPLOY SA ISRAEL

DFA

NAKATAKDANG i-deploy ng pamahalaan ang 50 caregivers sa Israel sa susunod na linggo.

Ang pagpapadala ay sa ilalim ng government-to-government agreement, ayon kay  Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia.

Sinabi ni Olalia na aalis ang mga caregiver sa Hulyo 27.

“The 50 caregivers will be the first batch to be deployed in Israel under the G-to-G deployment,” paglilinaw ni Olalia.

Aniya, ang nasabing bilang ng workforce ay bahagi ng 377 caregivers na ang mga dokumento ay isinaayos ng POEA.

Magugunitang inalis ang temporary suspension sa deployment ng workers sa Israel makaraang kumonsulta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa  Department of Foreign Affairs (DFA).

Naghigpit ng pagpapadala ng workers sa Middle East kasunod ng kaguluhan doon. EVELYN QUIROZ

30 thoughts on “(Sa susunod na linggo) 50 CAREGIVERS IDE-DEPLOY SA ISRAEL”

Comments are closed.