(Sa susunod na linggo) PETROLYO BALIK SA TAAS-PRESYO

petrolyo

MATAPOS ang rolbak noong nakaraang linggo, inaasahang muling magpapatupad ng price increase ang mga kompanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay tataas ng mula P8.00 hanggang P8.30 kada litro.

Posible naman ang P2.90 hanggang P3.10 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong Martes, Marso 22, makaraan ang 11 sunod-sunod na linggong price hikes ay nagkaroon ng malaking bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tinapyasan ng P5.45, diesel ng P11.45 t kerosene ng P8.55.

Ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas na ng kabuuang P30.65, gasolina ng P20.35, at kerosene ng P24.90.