PANSAMANTALANG puputulin ng Department of Energy (DOE) ang serbisyo ng koryente at suplay ng krudo sa mga lugar na isinailalim sa lockdown dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Energy Undersecretary at spokesperson Felix Fuentebella ang nasabing hakbang ng DOE ay bilang pagtalima sa naging kautusan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
“We will implement the lockdown in the areas affected by the Taal Volcano eruption,” ani Fuentebella.
“We have to work under the umbrella of the Council, meaning when the Council has declared already the lockdown in the area, the energy family, the distribution utilities, the transmission group the NGCP (National Grid Corp. of the Philippines) and also the power plants, the oil companies will also have to implement this,” dagdag pa nito.
Ayon kay Fuentebella, makaraang ihayag ang mga lugar na ini-locked down ay agad naman na ipinatupad ng DOE ang suspensiyon ng supply ng elektrisidad at krudo sa bayan ng Lemery, Agoncillo, Laurel, Talisay at San Nicolas simula pa noong Miyerkoles, Enero 22.
Samantalang, isinailalim naman sa partial lockdown ay ang Mataas na Kahoy na saklaw ang mga Barangay Nangkaan, Manggahan, Lumang Lipa, Kinalaglagan, San Sebastian, Bayorbor, Santol, Bubuyan at Loob; Tanauan City na sakop nito ang Barangays Ambulong, Banadero, Bagbag, Balete, Banjo Laurel, Bilog Bilog, Janopol, Boot, Gonzales, Janopol Oriental, Luyos, Mabini, Maria Paz, Maugat, Montana, Natatas, San Jose, Santor, Talaga, Tinurik at Wawa; Balete na ang barangay ay malapit sa baybayin ay ang Poblacion, Magapi, Calawit, Sala, Makina, Palsara, San Sebastian, Solis, Looc, Sampalocan, Alangilan; Lipa City na hawak ang Barangays Halang, Bulaklakan, Duhatan, at ilang bahagi ng Bagong Pook partikular sa Latag; Sta. Teresita na may Barangays Calumala, Tambo Ilaya, Tambo Ibaba, Saimsim, at Burol.
Kahapon naman pinutulan ng koyente at supply ng krudo sa Cuenca na sakop nito ang Barangays Poblacion 1-8, Calumayin, Don Juan, Balagbag, Dita, Ibabao, San Isidro, Pinagkaisahan, at San Felipe.
At sa pagbabalik naman ng supply ng koryente, sinabi naman ni Fuentebella na dapat, “instructions and communications lines should be clear.”
Gayunpaman, nilinaw ng opisyal ng DOE na mananatili naman ang supply ng koryente sa mga evacuation center lamang.
“We are of the support of the council because these instructions from the council have basis, scientific basis para masiguro yung safety and we also acknowledge the inconvenience and the difficulty, yung kahirapan at saka yung istorbo na mararamdaman nung mga affected but this is because we have to ensure their safety,” diin ni Fuentebella .
Kasabay nito, inatasan naman ng DOE ang lahat ng energy stakeholders na siguraduhing may sapat na supply ng koryente sa mga ospital at pangunahing government installation gaya ng command centers ng lokal na pamahalaan.
Comments are closed.