(Sa tagumpay ng Pinoy athletes sa SEA Games) PSC CHIEF KUMPIYANSA

SEA GAMES

GAGAWIN ng ­Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat para masi­guro ang kahandaan ng national athletes sa nalalapit na 30th SEA Games na idaraos sa bansa sa Nobyembre 30-­Disyembre 11.

“The heart and soul of this SEA Games are the athletes and we are taking care of them. We have not been remiss,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel Manila.

Ang sports official mula sa Davao City ay nagsisilbi ring chef de mission ng  Team Philippines, na target na maduplika ang ‘Miracle of 2005’ nang makopo ng bansa ang SEAG overall title bilang host.

Mula sa regular annual budget na P300 million, ang PSC, alinsunod sa direktiba ng Malacanang, ay gumastos na ng mahigit triple nito ngayong taon para masiguro na ang mga atleta ay well-trained at highly-motivated.

“We went beyond that (old budget). As of September this year, the PSC has spent P1 billion for our athletes,” ani Ramirez, kung saan ang malaking bahagi ng budget ay ginastos sa foreign exposure at equipment.

Dinagdagan din ng PSC ang daily at meal allowances ng mga atleta (651 male at 462 female) at coaches (346), at inayos ang kanilang living quarters at training facilities.

Ang Rizal Memorial Sports Complex, na itinayo noong 1934, ay kasalukuyang sumasa­ilalim sa rehabilitasyon, hindi lamang para sa SEA Games, kundi para sa national athletes.

Ang Philsports Arena sa Pasig at ang Teachers’ Camp sa Baguio City, dalawang iba pang pasilidad para sa mga atleta, ay sumasailalim din sa major repairs. Ayon kay Ra­mirez, hindi ito magagawa ng PSC kundi hindi sila tinulungan ng Pagcor.

Subalit naniniwala si Ramirez na ang foreign exposure ang magiging susi sa tagumpay ng mga atleta sa pagho-host ng bansa sa SEA Games sa ikaapat na pagkakataon matapos noong 1981, 1991 at 2005.

“Because of that exposure, malakas ang loob ko (I am confident). We can deliver a surprise in the SEA Games,” sabi ni Ramirez sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Pagcor.

“And it’s very inspiring to see the results. We have found new heroes,” anang PSC chief, patungko kina gymnast Caloy Yulo, female boxer Nesthy Petecio at pole vaulter EJ Obiena.

“With all our investment, I am confident that our athletes will deliver in this SEA Games,” dagdag ni Ramirez. CLYDE MARIANO

Comments are closed.