HINDI pa man tuluyang nakababangon ay muli na namang nanganganib ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa digmaan sa pagitan ng Russia at ng Ukraine.
Ito ang inamin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kahit walang direktang epekto sa Pilipinas ang naturang sigalot.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Dominguez na maaaring maging “collateral damage” ang Pilipinas dahil hagip pa rin ito ng krisis.
“The Philippine economy will likely be collateral damage,” ani Dominguez. “It is as if we are hit by a ricocheting bullet,” dagdag pa niya. “These indirect shocks are likely to be felt through four major channels.”
Ang tinutukoy ni Dominguez ay ang commodity at financial markets, investments, at fiscal health ng bansa.
Maaari aniyang tumaas ang presyo ng langis at pagkain lalo na’t ang Russia ay kabilang sa top oil exporters sa mundo at ang Ukraine ay isa sa pinakamalaking producer ng mais at wheat.
“As the conflict continues, Ukraine and Russia’s main trading partners, predominantly the European Union, will look to trade with other countries such as U.S. and China, where we are buying both wheat and corn, thereby pushing up the prices of commodities in these markets as well,” ani Dominguez.