(Sa Vietnam visit ni PBBM) FOOD SECURITY TUTUTUKAN

SEGURIDAD sa pagkain at agricultural trade and cooperation  ang nangungunang agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita niya sa Vietnam sa susunod na linggo.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Aileen Mendiola-Rau, na ang pagbisita ni Marcos ay inaasahang magkakaroon ng “malalim na talakayan sa ating kooperasyong panrehiyon” habang muling pinagtitibay ang kanyang pangako na tiyakin ang seguridad sa pagkain sa  bansa.

Ang Vietnam na isa sa mga pangunahing rice exporter sa mundo ay matagal nang kasosyo ng Pilipinas na nakatuon din sa pagsuporta sa pangangailangan ng huli sa bigas.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza, ang Pangulo ay nasa Vietnam sa kanyang unang pagkakataon mula Enero 29 hanggang 30, sa imbitasyon ng Pangulo ng Vietnam na si Vo Van Thuong.

EVELYN QUIROZ