(Sa voter registration) WALA NANG EXTENSION

DINAGSA  ng mga botante kahapon ang huling araw ng voter registration na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) sa bansa.

Ayon sa Comelec, i­lang botante ang gabi pa lamang ay pumila na sa mga field offices sa kanilang lugar upang humabol sa huling araw ng pagpapatala.

Lahat naman ng mga aplikante na nakapila na sa kanilang tanggapan pagsapit ng 3:00 ng hapon ay pinayagan ng mga election officer na maka-pagparehistro pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na hindi na nila palalawigin pa ang voter registration.

“Last day of #VoterReg2019 today. No extension,” ani Jimenez.

Ang voter registration sa bansa ay nagsimula nitong Agosto 1 at tumagal lamang ng dalawang buwan. ANA ROSARIO HERNANDEZ