(Sa wakas matapos ang ilang buwang pagtaas) PRESYO NG PETROLYO MAY TAPYAS

PETROLYO-22

MATAPOS ang ilang buwang magkakasunod na pagtaas ay may rolbak sa  presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Magpapatupad ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. ng P0.75 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina, P0.60 sa diesel at P0.60 din sa kerosene.

May kaparehong rolbak ang Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang bawas-presyo sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng price adjustment sa alas-8:01 ng umaga.

Bago ang rolbak ngayong linggo, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng siyam na sunod na linggo, at diesel ng 14 sunod na linggo. Huling tinapyasan ang presyo ng gasolina noong Mayo 18, 2021.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang nitong Hulyo 20, ang presyo ng gasolina ay may kabuuang pagtaas na P13.60 kada litro,  diesel ng P10.90 kada litro, at kerosene ng P9.30 kada litro

62 thoughts on “(Sa wakas matapos ang ilang buwang pagtaas) PRESYO NG PETROLYO MAY TAPYAS”

  1. 401470 621556hi!,I like your writing so significantly! share we keep up a correspondence extra approximately your post on AOL? I demand a specialist on this space to solve my problem. May be that is you! Searching ahead to peer you. 62252

  2. I got this site from my pal who told me concerning this web site and at the moment this time I am browsing this web page and
    reading very informative articles here.

Comments are closed.