SABI NANG SERYOSOHIN ANG ATING MGA AWTORIDAD!

Magkape Muna Tayo Ulit

HAY naku. Kailan ba tayo matututo? Napag-usapan na natin dati ang  tungkol sa isyu na kailangan nating seryosohin ang ating mga awtoridad sa pagpapatupad nila ng batas ukol sa ECQ. Ginagawa nila ito upang tulungan ang ating bansa na matapos na ang paglaganap ng COVID-19 sa ating lipunan.

Uulitin ko ang tatlong simple nguni’t napakahalaga na ating sundin ayon sa IATF. Manatili sa tahanan, pairalin ang social dis-tancing, at umiwas gumawa ng malaking pagititpon. Upang mas epektibo ang nasabing tatlong kautusan, nagpalabas ng polisiya ang PNP na paiigtingin nila ang ECQ.

Sabi ni PNP Chief Gamboa na kapag ang tao ay pagala-gala na walang suot na face mask, walang karampatang quarantine pass at hindi nagpapatupad ng social distancing, aarestuhin at inquest agad ang mga ito. Malinaw po tayo dito hindi ba?

Heto na naman ang isang pasaway na naging viral sa social media at ito ay isang dayuhan. Ito ay isang banyaga na nakatira sa isang mamahalin na subdibisyon sa Makati. Sa unang sigwada sa social media na ipinalabas ng isang online newspaper, pinalabas na walang pakundangan na pilit inaaresto ang nasabing kawawang dayuhan. Ayon sa unang balita, wala raw karapatan ang awtori-dad na hulihin ang dayuhan dahil nasa loob siya ng bakuran ng kanyang tahanan. Alam naman natin sa  ibang mayayaman na sub-dibisyon, wala silang bakod. ‘Amercian style’ ika nga.

Kaya naman ang unang reaction ng mga nakakita nito sa social media ay napakarahas at wala sa katwiran ang mga pulis na hulihin ang nasabing dayuhan.

Mali pala. Matapos ang ilang oras, lumabas ang totoong pangyayari sa isa pang video sa social media na nagmula sa mga pulis na nandoon sa pangyayari. Mayabang pala itong dayuhan na ito at walang respeto at pinagmumura ang ating mga kapulisan.

Magalang ang mga pulis na pinagsasabihan sila na bawal ang walang facemask kapag nasa labas ka ng tahanan. Aba’y tila las-ing pa yata itong dayuhan at walang suot na pang-itaas. Kinakausap niya nang malapitan ang mga pulis na wala siyang suot na facemask. Pati ang kanyang maybahay ay umaawat sa galit na galit na asawa niyang dayuhan nguni’t ayaw makinig. Sinermonan pa ng bastos na banyaga ang ating kapulisan kung ano ang dapat nilang gawin. Pati si Sen. Pacquaio ay idinawit ng gagong banyaga. Dapat daw doon sila pumunta at sitahin si Pambansang Kamao dahil nagkaroon ng kaso ng COVID-19 doon.

Sa madaling  salita, hindi niya sineseryoso ang ating awotridad. Hayun. Sinubukan niya ang ating mga pulis, nakatikim tuloy itong walang modo at bastos na dayuhan. Hindi natin kailangan ng mga ganitong klaseng banyaga rito.

Ewan ko ba. Tayong mga Pilipino, kapag nanirahan sa ibang bansa ay sumusunod at nirerespeto ang batas nila. Nguni’t ang mga dayuhan dito kapag nanirahan, karamihan sa kanila ay akala mo mas nakakataas sila sa atin. Akala nila ay maduduro ang kara-mihan sa ating mga Pilipino sa kanilang hitsura, pananalita at pera.

Tama lang ang inabot nitong gagong dayuhan na ito. Hindi ako magtataka kung ibalik ito sa kanyang bansa na ngayon ay grabe ang sitwasyon ng impeksyon ng COVID-19. Ang dayuhan na ito ay taga Italya.

Comments are closed.