PINADISARMAHAN na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kay Philippine National Police Chief Gen. Archie Gamboa na disarmahan ang mga pulis na sangkot sa pamamaril na ikinasawi ng dalawang junior military intelligence officers at dalawang enlisted personnels sa Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon.
Kasabay nito, hiniling din ng kalihim na ilantad ang tunay na nangyari at dahilan sa likod ng pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo.
Sa kasalukuyan nasa restricted custody ng Sulu Provincial Police Office ang mga pulis na sangkot sa pamamaril.
Batay sa ulat ng 11th Infantry Division ng PA, kabilang sa killed-in-action ay sina Maj. Marvin Indamog, Capt. Iriwin Managuelod, Sgt. Eric Velasco at Cpl. Abdal Asula.
Agad na inatasan ni Año ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa insidente.
Gayundin, hiniling ng AFP Western Mindanao Command at Philippine Army na pangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat sa kaso.
Hihilingin din ni Año ang parallel investigation sa NBI. VERLIN RUIZ
Comments are closed.