SAFETY PROTOCOLS SA CHECKPOINTS SINIYASAT

Camilo Pancratius Cascolan

UPANG masiguro na naipatutupad nang tama ang guidelines na inilatag ng Philippine National Police (PNP) sa mga itinayong checkpoints sa Metro Manila at buong Luzon, binisita ang mga ito ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt.  Gen.  Camilo Pancratius Cascolan.

Ang pagtatayo ng checkpoints ay bahagi ng safety protocols para sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa lumalalang kaso ng coronavirus disease (COVID 19).

Sa datos ng Department of Health, may karagdagang 15 kaso ng COVID 19 kaya sumampa na sa 202 ang kaso nito,  17 na ang nasasawi at pito lamang ang nakarerekober.

Unang tinungo ni Cascolan ng mga checkpoints palabas ng Southern Manila na sinundan sa Mamplasan, Binan,  Laguna.

Ayon sa  PNP ‘s number 2 in command, nais niyang matiyak na maayos ang sitwasyon ng mga naka-deploy na pulis, kaligtasan ng mga ito at ng publiko.

“Naglibot ako sa iba’t ibang checkpoints para tiyakin na nasusunod ang mga sa safety protocols para sa kaligtasan ng aming tauhan  sa banta ng Covid 19”, ayon kay Cascolan.

Ayon kay Cascolan, nais na matiyak ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa na may sapat na safety at sanitation equipment ang mga pulis na nasa frontline ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Una nang kinokonsidera ni Gamboa na maglagay ng signs habang si Cascolan ay inirekomenda ang paglalagay ng color coded stickers na kulay pula,  puti at asul.

Kulay pula kapagang lulan ng sasakyan ay COVID patient na nangangahulugang patungo ito sa ospital at tanging tauhan ng PNP at Bureau of Fire Protection na may suot na personal protective equipment (PPE) ang maaaring magsiyasat.

Kulay puti, clear sa COVID o ikinokonsidera bilang “stay at home, ” kaya hindi na papayagan makalabas upang hindi mahawa, habang ang kulay asul ay may dalang dokumento kung bakit nararapat silang lumabas ng bahay.

Paglilinaw naman ni Cascolan na ang color coded stickers ay isa lamang sa kanyang rekomendasyon para sa mabilis na takbo ng operasyon sa checkpoints. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.