SAFETY TIPS SA PAGHAHANDA AT PAGLULUTO NG PAGKAIN

PAGLULUTO-1

NAPAKAHALAGA na malinis at maayos ang pag­hahanda at pagluluto ng pagkain. Kung hindi nga naman maayos at malinis ang paghahanda natin ng pagkain, maaari itong maging dahilan ng food poisoning.

At para maiwasan ang food poisoning at maging ligtas ang kahit na sino, narito ang ilang tips na dapat na isaalang-alang kapag maghahanda at magluluto ng kahit na anong pagkain o inumin:

SIGURADUHING MALINIS ANG MGA KAMAY

PAGLULUTO-2Bago magsimula sa pagluluto, siguraduhin munang malinis ang mga kamay. Hugasan itong mabuti gamit ang sabon at tubig. Kuskusin ang kamay sa loob ng 20 seconds nang masigurong natanggal ang lahat ng kumapit na dumi. Banlawan ding mabuti ang mga kamay saka tuyuin ito gamit ang malinis na towel. Gumamit din ng paper towel sa pagpatay ng faucet nang hindi mapunta o kumapit sa kamay ang du­ming nagmumula roon.

Siguraduhin ding malinis ang mga gagamitin sa pagluluto o paghihiwa ng mga sangkap gaya ng kutsilyo, sangkalan, gayundin ang kaldero at iba pa.

Bukod sa kamay at kagamitan, isa pa sa dapat siguraduhing malinis at maayos ay ang lugar ng paglulutuan. Tanggalin din ang mga bagay o gamit na hindi kakailanganin sa pag­luluto nang mapadali ang ginagawa at masiguro na ring malinis ito.

LUTUING MABUTI ANG PAGKAIN

Marami sa atin ang laging nagmamadali. Nagmamadali sa lahat ng bagay. Sa rami rin kasi ng kailangan nating asika­suhin, kailangan talagang magmadali tayo nang matapos natin ang mga responsibilidad na nakaatang sa atin.

PAGLULUTO-3Hindi lang din naman pag-aasikaso ng bahay at pagluluto ang ginagawa ng maraming Nanay. Nagtatrabaho rin sila. O nag-oopisina. Hindi na nga naman uso ngayon na lalaki lang ang naghahanap buhay. Maging ang babae ay kumakayod na rin para sa pamilya. May mga lalaki na rin o Tatay na tumutulong na rin sa gawaing bahay, maging sa pagluluto.

Nagtutulungan nga naman ang magkakapamilya o mag-asawa nang malampasan nila ang lahat ng pagsubok sa buhay. At para na rin magkaroon ng magandang bukas ang kanilang pamilya.

Dahil diyan, lahat ng puwedeng gawin ng mabilisan, ginagawa. Pati na rin ang pagluluto.

Gayunpaman, napakahalagang maayos, malinis at nalulutong mabuti ang pagkaing ihahanda natin sa ating mahal sa buhay.

Kaya naman, siguraduhing nalutong mabuti ang pagkaing ating ihahanda sa pamilya nang mailayo sila sa kapahamakan.

BONUS TIPS

Hindi naman lahat ng pagkaing ating inihahanda sa pamilya ay nauubos kaagad. Kapag mayroong natira, paniguradong itatabi natin ito at ilalagay sa ref nang makain pa o mapakinabangan. Sayang naman kung itatapon lang. Ang mahal-mahal pa naman ng mga bilihin. At saka, hindi rin naman agad-agad na nasisira ang pagkain lalo na kung maayos at malinis ang pagkakaluto nito.

At sa mga natirang pagkain, siguraduhing nailalagay ito ng maayos sa dapat kalagyan. Halimbawa na nga lang ay sa ref. Bago rin ilagay sa ref ang natirang pagkain, siguraduhing malamig na ito.

REFGumamit din ng mali­nis na lalagyan o leak-proof plastic bags para maiwasan ang cross-contamination. Huwag ding pagsasa-ma-samahin ang mga natirang pagkain sa iisang lalagyan.

Two to three days lang din dapat tumagal ang mga tirang pagkain na inilagay sa ref. Kapag lumampas na sa nabanggit na araw, alisin na ito at huwag nang kakainin.

Linisin din ang ref bago ilagay ang mga pagkain.

Sa mga nagluluto riyan ng pagkain para sa pamilya o kostumer, nakasalalay sa inyo ang kaligtasan ng inyong kostumer at mahal sa buhay. Kaya naman, ingatang mabuti ang paghahanda at pagluluto ng pagkain. Hindi lamang dapat ito masarap at masustansiya, dahil kaila­ngang malinis din ito.

Comments are closed.