NATALO ang Barangay Ginebra sa sister team nito na San Miguel Beer kamakalawa ng gabi, 66-81. 15 points ang kalamangan ng tropa ni coach Leo Austria. Sa pagkatalo ng Gin Kings sa Beermen ay marami ang nagba-bash sa kanila ngayon. ‘Sagip kapamilya’ ang trending words ngayon sa fans ng PBA. Ang Ginebra ay may 7-3 record sa kasalukuyan, katabla ang TNT Tropang Giga, habang ang Beermen ay umangat sa 6-4.
Ayon kay coach Tim Cone, aware siya sa mga nagba-bash sa kanila ngayon. Sa lahat ng team, ang SMB ang gustong/gusto nilang matalo, ang problema nga lang, sa laro nila noong Linggo ng gabi ay nagkaroon ng problema ang legs ng mga player niya. Isa na rito si L. A. Tenorio dahil na rin sa ilang sunod na laro nila. Kahit ano pa ang sabihin ng mga basher ng crowd favorite ay nasa unahan na sila ngayon.
o0o
Naging maganda ang buena manong laro ni Thirdy Ravena sa kanyang team sa Japan kung saan nanalo ito. Si Ravena ay nakagawa ng 13 points at isang magandang dunk para lalong dumami ang humanga sa dating Ateneo player. Ito ang ikalawang panalo ng San-en NeoPhoenix.. Very proud parents sina coach Bong Ravena at mom Mozzy sa magandang laro na ipinakita ni Thirdy bilang import sa liga.
o0o
Ibang-iba talaga ang ugali ng anak ng isang dating import sa PBA. Siguro kung nabubuhay pa si Bobby Parks Sr. ay mapagsasabihan nito ang kanyang anak na si Bobby Ray Parks Jr. sa inuugali nito, una sa media. Ang matandang Parks ay mahal na mahal ang media. Kapag gusto siyang interbiyuhin ay buong puso itong nakikipag-usap sa press corps. At masarap, itong kausap, totoong tao siya. Kaya nga minahal si Bobby Parks ng media. Malayo pa lang ito ay abot tainga na ang ngiti niya sa mga nakakasalubong na tao.
Opposite ni Ray Parks ang kanyang ama, hindi ito nagpapa-interview basta-basta. Kailangan pang ipaalam nito ang interview sa kanyang manager o kompanya nila. Ni hindi marunong ngumiti. Nakakalimutan yata ni Parks Jr. na kailangan niya ang media. Kahit anong husay ng player, kung walang write up, patay ang basketball career nito dahil hindi napapansin o walang nababasa hinggil sa mga nangyayari sa, player sa loob ng court. Sana ay mapagsabihan si Parks Jr. ng tumatayong manage nito sa kahalagahan ng media.
Naalala ko tuloy ang isang ex-PBA player na ilag rin sa media at nakapagbitiw pa ito ng salita na hindi niya kailangan ang media. Hanggang sa makapagretiro sa paglalaro ay hindi man lang ito nakakuha ng awards sa PBA.
Wake up, Ray Parks.
Comments are closed.