Sagot ng PhilHealth sa Stroke, higit doble ang inangat!

“PhilHealth, more info naman po tungkol sa benepisyo niyo para sa stroke. Thank you.”

– Cindy
Legazpi Village, Makati City

Sureness, Cindy! Simula Nob­yembre 2023, lahat ng admission para sa ischemic at hemorrhagic stroke ay pinalaki na ang coverage. Actually, higit doble ang itinaas ng mga benefit packages na ito.

Unahin natin ang ischemic stroke. Dati P28,000 ang coverage namin para rito pero ngayon ay P76,000 na! Ang ganitong uri ng stroke ay nangyayari kapag ang daluyan ng dugo papunta sa ating utak ay barado o may blod clot kaya hindi nakakakuha ng sapat na oxygen at nutrients ang ating utak. Ito ang nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga brain cells natin.

Ang hemorrhagic stroke naman ay pagdurugo ng utak na pwedeng dulot ng high blood pressure, mataas na cholesterol, o Type 2 diabetes kaya ang bahagi ng katawan na kinokontrol ng nasirang bahagi ng utak ay hindi na naigagalaw nang maayos ng pasyente.

Talagang mahal ang paggamot sa mga kundisyong ito kaya nga ang pinalawig na benepisyo ng PhilHealth para sa ischemic at hemorrhagic stroke na talagang magiging malaking tulong para sa hospital charges tulad ng room and board, mga gamot ng pasyente habang naka-confine, pati na rin professional fees ng duktor.

Sakali namang kailanganing lumi­pat o mag-transfer ng pasyente sa ibang higher level facility, ang naunang accredited hospital na nagbigay ng pangunang serbisyo ay babayaran sa package rate na Php 4,000 sangayon sa PhilHealth guidelines patungkol sa referral package.

Sa mga lugar na tinatawag na­ting GIDA – o geographically isolated and disadvantaged area – kung saan karamihan ng mga pasilidad ay walang kapasidad na magbigay ng neuroima­ging sa pamamagitan ng magnetic resonance imaging (MRI) o compu­terized tomography at nakapagbigay lamang ng diagnosis base sa mga sintomas ng pas­yente, mababayaran pa rin ang pasilidad sa halaga ng dating benepisyo para sa ischemic (P28,000) at hemorrhagic (P38,000) stroke.

Sakali naman pumanaw ang stroke patient ngunit wala pang 24 oras ang pamamalagi sa ospital, makagagamit pa rin ng benepisyo sa halagang P4,000.

Salamat sa mensahe mo, Cindy. Have a nice day!

PAALALA

May tanong tungkol sa inyong ­PhilHealth? Tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662-2588. Bukas anumang oras at araw, pati weekend at holiday!

Matatawagan din kami sa 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click-to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph.

BALITANG REHIYON

Nagsagawa ng Alaga ­Ka-PEERs ­Forum ang PhilHealth ­Ilocos Sur sa Candon City, ­Ilocos Sur kung saan ang mga PEERs o ­PhilHealth ­Employers’ ­Engagement ­Representatives ay binigyan ng ­updates at ­impormasyon hinggil sa mga bagong polisiya, ­panuntunan at benepisyo ng PhilHealth.

Ang mga PEERs ay mga ­itinalaga ng kani-kanilang employers para ­magsilbing ­opisyal na point ­persons/account officers sa mga transaksyon sa PhilHealth.