ANG mga manggagawa sa services sector ng bansa ang may pinakamalaking sahod sa hanay ng major sectors hanggang noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, ang mga manggagawa sa services sector ay tumanggap ng average na P482.60 daily wage noong Enero ng kasalukuyang taon, ang pinakamataas kumpara sa P404.27 para sa mga nasa industry sector at P222.26 sa agriculture sector.
Bagama’t nananatiling pinakamababa sa major sectors, ang average daily wage ng mga manggagawa sa agrikultura ay tumaas, mula sa P210.13 noong Enero at P201.55 sa kaparehong buwan noong 2016.
“The sector’s fishing and aquaculture workers received an average PHP237.90 per day, higher than those who engaged in agriculture, hunting and forestry, who got PHP221.39 daily,” ayon pa sa PSA.
“Agriculture employed some 10.87 million people in January 2018. Of this number, 9.84 million people engaged in agriculture, hunting, and forestry, while only around 1.03 million people were into fishing and aquaculture,” dagdag pa nito. PNA
Comments are closed.