LAS PIÑAS CITY – DAAN-DAANG volunteer mula sa gobyerno at pribadong sector ang nakilahok kahapon upang magtulong-tulong sa paghahakot ng mga sako-sakong basura mula sa dalampasigan ng Manila Bay sa may Las Piñas-Parañaque Critical Habitat Ecotourism Area malapit sa Coastal Area.
Ang mga sako-sakong basura ay nahakot matapos ang isang linggong pag-ulan dala ng habagat.
Nagkalat ang plastic at iba pang mga basura sa ilang kilometrong haba ng baybayin sa habitat bago magsimula ang paglilinis dakong 6:00 ng umaga.
Napag-alaman na lingguhan naman ang ginagawang paglilinis sa naturang lugar mula ng magsimula ang Manila Bay Cleanup project.
Subalit kahapon sa ginawang paglilinis ay naging mas malaki ang volume ng basura na kailangan pulutin na naipon dahil sa isang linggong pag-ulan at malakas na ulan dala ng bagyo at habagat.
Ayon sa pahayag ng Parañaque City Environment and Natural Resources Office, wala ang mga naturang basura noong nakaraang Sabado matapos ang kanilang huling sama-samang cleanup sa lugar. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.