KINILALA ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang sakripisyo ng mga pulis sa gitna ng COVID-19 pandemic sa paggunita ng National Heroes Day kahapon.
Sa mensahe ni Gamboa, sinabi nito na kahanay rin ng mga pulis ang mga doktor, nars, at iba pang health workers na maituturing na bagong henerasyon ng bayani sa laban kontra sa COVID-19.
Aniya, katulad ng mga health worker, ang mga pulis ay walang humpay sa pagtulong at pagganap sa sinumpaang tungkulin na maglingkod sa bayan at handang ialay ang buhay para sa kapakanan ng sambayanang Filipino.
Sinabi nito, marami sa mga pulis ang nahawa dahil sa pagpapatupad ng mga quarantine checkpoint upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kaugnay nito, sa huling talaan ng PNP, lumagpas na sa 4,000 ang mga miyembro ng PNP ang nagpositibo sa COVID- 19, kung saan 16 ang nasawi habang 2,806 ang mga naka- recover sa virus. EUNICE C.
Comments are closed.