SAKRIPISYO NG TURISMO

edwin eusebio

Sa lumaganap na COVID-19, virus na kinatatakutan,

Maraming bansa na ang naapektuhan.

Nagdulot ng pangamba at takot sa sangkatauhan,

Higit lalo,  sa mga bansang  nadamay at nadapuan.

 

Pangunahin dito ang Sektor ng Turismo.

Ang biyahe ng mga Barko at mga Eroplano.

Kumaunti at halos wala silang mga Pasahero,

Dahil nangatakot na nga  lahat ng mga tao.

 

Sa kabila ng walang humpay na mga paalala,

Paglilinaw…sa mga dapat at hindi dapat ikabahala.

COVID-19 ay matindi pa ring nakapaminsala,

Apektado ang lahat ng kilos ng balana.

 

Nasapol na rin ng Epekto ng Virus scare,

Ang ekonomiya ng Filipinas.. bumagsak at naging slower,

Sa pagtaya ng World Bank noong 2019 nasa 5.8 percent

Ang ibinaba ng kalakal dahil sa COVID-19 Fever.

 

Sabi pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas…

Ang COVID-19 ay magkakaroon pa ng matinding impact.

Sa susunod pang mga buwan,

animnaraang milyong dolyares ang lalagapak,

Sa Economic Growth ay tiyak na malalagas.



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.