ANG dating Ovearseas Filipino Worker (OFW) na tagapag-alaga ng mga bata sa bansang Kuwait ay nakatagpo ng tunay na pagmamahal sa isang “A Foreigner Around Manila” (AFAM), saksi ang Lagoon ng Isla Bonita.
Ang 40-anyos na si Alma Rodrigo Ocampo na tubong Boreas Island, Masbate ay pitong taong nagtrabaho sa bansang Kuwait bilang isang Nanny. Nabigo sa unang nakarelasyon, hiniwalayan siya sa hindi malamang kadahilanan.
Sa Social Media sa isang Asian Dating Site na naghahanap ng katipan, noong January 10, 2024 nakilala ni Alma ang 52 anyos na AFAM na si Roman Sawczenko, binata, isang Mechanical Engineer sa bansang Germany.
Sa dalas ng kanilang pag-uusap sa social media ay nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa.
Upang maipakita ang tunay na pagmamahal ni Roman kay Alma ay pumunta ito sa Pinas.
At ang kanilang unang tagpuan ay ang Lagoon ng Isla Bonita sa Rosario, Cavite.
Kuwento ni Roman, “The cool breeze and gentle waves from the sea are what truly bring this romantic place to two of us. We feel the true love that comes from different nations. Thank you very much, Isla Bonita.”
Si Roman ay nauna nang nabigo sa isa ring Pinay bago pa man niya nakilala si Alma.
At sa pangalawang pagkakataon, hindi na niya sasayangin ang pag-ibig niya sa pangalawang Pinay na nakilala niya sa katayuan ni Alma.
Saksi ang Lagoon ng Isla Bonita sa kanilang pagmamahalan na tumatak sa maraming kwento ng pag-iibigan at sumpaan ng dalawang pusong pinagtagpo ng pagkakataon.
SID SAMANIEGO