HINDI kontento ang isang ranking member ng minority bloc sa Kamara de Representantes sa naaprubahang panukalang batas para sa dagdag-sahod ng mga pampublikong guro at iba pang kawani ng gobyerno.
Pagbibigay-diin ni House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, ‘kakainin’ lamang ng pagtaas sa halaga ng iba’t ibang produkto bunsod ng pagpapatupad ng TRAIN Law ang isinusulong ng Kongreso na salary increase.
“The proposed Salary Standardization Law of 2019 will be implemented in four tranches, will only increase salaries of those under Salary Grade 1 by P483 in 2020, a P16 per day increase in the first tranche of implementation. Entry level teachers under Salary Grade 11 would only receive an increase of P1,562 in 2020, an additional of only P52 per day,” ayon pa sa party-list lady lawmaker.
“This is not what our teachers and other government employees have been demanding from the government. Public school teachers and other government employees do not deserve a measly increase in their salaries that will only be eaten up by the increasing prices in goods and income tax due to the TRAIN law,” giit ni Castro.
Ayon sa mambabatas, bukod sa price increase ng mga pangunahing bilihin, mababalewala ang bagong Salary Standardization Bill dala ng ipapataw na income tax, at taas din sa kontribusyon sa GSIS, PhilHealth at Pag-IBIG.
“Wala nang natira sa barat na itinaas sa kanilang mga suweldo. Kulang na nga sa panawagan na P30k, hinati-hati pa sa loob ng apat na taon. Para sa mga simpleng manggagawa ng gobyerno, ano ang mabibili ng dagdag na P16 kada araw? Para naman sa mga pampublikong guro, ano ang mabibili ng P52 kada araw?” sabi ni Castro.
Aniya, maituturing bilang mga ‘professional’ ang public school teachers, na napag-iwanan pagdating sa tinatanggap ng buwanang sahod kumpara sa iba pang kawani ng pamahalaan na katumbas din naman nila ng kuwalipikasyon at workload.
“Entry-level pay of public nurses will increase to P32,053 as per Supreme Court decision. Teachers had hoped that Congress would also allot a similar entry-level pay for public school teachers since their professions have relatively similar qualifications and workload,” dagdag ni Castro. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.