CAVITE – DALAWA katao ang namatay habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Sitio Manggahan, Brgy. Maguyam, bayan ng Silang sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.
Naisugod pa sa Estrella Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang mga biktimang sina Marlito Jala Luta, 29-anyos ng Brgy. Kaong sa bayan ng Silang; at Jester Marangal Llandelar, 25-anyos ng Purok 1, Brgy. Timbau, Binan City, Laguna.
Kasalukuyan naman ginagamot sa nasabing pagamutan si Gilbert Pausal Otida, 27-anyos ng Ibayong Ulat sa Barangay Kaong, bayan ng Silang, Cavite.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, sakay ng motorsiklo si Luta patungong trabaho na kaangkas nito si Otida nang makasalpukan nito ang motorsiklong pula (30301) ni Llandelar na sinasabing nawalan ng kontrol.
Tumilapon sa kalsada ang mga biktima kung saan agad na isinugod sa ospital subalit patay na ng idating sina Luta at Llandelar. MHAR BASCO
Comments are closed.