SAMA-SAMA TAYONG YUMAMAN

rene resurrection

PAGKATAPOS kong mag-aral sa kolehi­yo, ang unang tra­baho ko ay sa isang opisina sa Unibersi­dad ng Pilipinas na nagtuturo ng pag­nenegosyo. Doon ko natutunan na napakaganda pala ng pagnenegosyo. Ito ang ‘backbone of the economy’. Ang mga negosy­ante ang talagang bayani ng bayan.

Natutunan ko rin na kung walang mga negosyante, walang kaunlaran. Nang malaman ko ang mga aral na ito, naging panalangin ko, “Panginoon, gawin mo po akong isang entrepreneur.” Sina­got naman ako ng Diyos makalipas ng ilang taon. Noong 1995, nagbitiw ako sa pagiging empleyado ng isang malaking kompanya at iti­nayo ko ang Passion for Perfection Inc., isang negosyong nag-iimbento ng mga business at training games.

Nagko-conduct din kami ng samu’t saring mga train­ing programs para sa iba’t ibang ahen­siya ng gobyerno at pribadong sektor, sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ngayon ay si­nasanay ko ang aking apat na anak na maging mga negosyante rin. Ang iba sa ka­nila ay magmamana at magpapatuloy ng aming family busi­ness.

Napakainam maging trainer dahil nagagamit ko ang multiplier effect. Napaparami ko ang aking sarili, lalong-lalo na kung ang pro­grama ko ay Train­ers’ Training. Ang gawaing pagsasanay ay hindi trabaho para sa akin. Ito talaga ang passion ko. Sa­bik akong gawin ito.

Ginagawa ko ang hilig ko at kumikita pa ako. Napakalaking pagpapala mula sa Maykapal. Sabi nga ng isang kasa­bihan: “Do the thing you love to do and you will never have to work in your life.” (Gawin mo ang ki­nahihiligan mo at hindi ka na mag­tatrabaho sa tanang buhay mo). Para lang akong nagla­laro o naglilibang at pagkatapos ay bina­bayaran ako ng mga kliyente. Nabubuhay ko ang pamilya ko sa pamamagitan ng ga­waing ito.

At nakapagbibi­gay pa ako ng tulong sa maraming kapus-palad sa pamamagi­tan ng aking foun­dation. Talagang malaking pagpapala ang negosyong ito.

Subalit, hindi pa ako kuntento sa na­gagawa ko. Parang masyado pa ring kakaunti ang naaabot ko sa pamamagitan ng training programs. Hiniling ko sa Diyos, “Palawakin mo pa ang impluwensiya ko. Sana mas mara­mi pang mga tao ang mapagpala sa aking katuruan.” Biglang-bigla, dumating ang PILIPINO Mirror sa buhay ko. Ito “Ang Unang Tabloid sa Negosyo”.

Layunin nito na mapaunlad ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga civic-minded na negosyante. Gusto nitong dumami pa ang mga entrepre­neur sa bansa. Iisa ang layunin ko at ng pambihirang pahayagang ito. Binigyan ako nito ng entablado o pag­kakataong maabot ang maraming Pili­pino sa pamamagi­tan ng aking kolum na pinamagatang “Heto Yumayaman”.

Sa pamamagi­tan ng aking kolum, n a k a p a g b i b i g ay ako ng mga li­breng payo sa ma­sang Pilipino kung paano sila makaaalpas sa sumpa ng utang, magkaroon ng ipon, mapalaki ito, mamuhunan sa ligtas at matalinong paraan, at marana­san ang malinis na pagyaman.

Lagi kong itinuturo ang sina­sabi ng Salita ng Diyos, “Alalahanin ninyo ang Pangi­noong Diyos sa­pagkat Siya ang nagbibigay sa inyo ng kapangyarihang lumikha ng kayamanan” (Deuteronomio 8:18).

Ang hamon ko sa lahat ng mamama­yang Pilipino at lalong-lalo na sa mga mambabasa ng PILIPINO Mirror: Gawin ninyong uga­li ang magbasa ng diyaryong ito. Sun­din ninyo ang mga payo nito.

Maging entre­preneur din kayo. Himukin at turuan ninyo ang kapwa Pilipino nating mag­ing mahuhusay na negosyante. Payamanin natin ang ating bansa. Lu­mikha ng mga deka­lidad na produkto o serbisyo na puwe­deng inegosyo sa Pilipinas at sa labas ng bansa. Sama-sa­ma tayong yumaman sa malinis na paraan.

Comments are closed.