SAMSUNG GALAXY TABLETS IPAGKAKALOOB SA QC PUBLIC SCHOOLS

176,000 na mag-aaral mula sa Quezon City (mula Grade 7 hanggang 12) ay makakatanggap ng sarili nilang Samsung Galaxy tablet, upang matulungan ang kanilang online learning para sa taong 2020-2021.  

“Ang layunin namin ay masiguro na ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay may pantay na gamit pang-edukasyon sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan,” banggit ni QC Mayor Joy Belmonte. “Masaya kami na ang aming lungsod ay nakakuha ng tablets mula sa isang nangunguna at de-kalidad na tatak, sa tapat na presyo,” dagdag niya.  

Ang quad-core Samsung Galaxy Tab A ay umaandar gamit ang Android 9 operating system. Ito ay may 32GB ROM internal memory + 2 GB RAM, microSD storage na umaabot sa 256GB, 2 megapixel front camera, at 5 megapixel rear camera. Ang mga tablets ay meron din WiFi o WLAN connectivity, at USB port para sa external storage.

Upang masiguro na ang mga tablet ay gagamitin lamang sa kanilang wastong sadya, may mga safety at privacy features nang naka pre-install sa bawat unit. Hindi din maaaring maka access ng mga bawal na extensions ang mag-aaral na gamit ang mga tablet.  

Ang kontrata para sa supply at delivery ng mga tablet ay may halagang P1.2 billion, at ito ay ipinagkaloob sa Trireal Enterprises, at ang partner nitong Radenta Technologies Inc.

“Sa dami ng paghamon na hinaharap ng ating mga public school students sa bagong sistema ng e-learning, panatag kami na ang kanilang Samsung Galaxy Tab A ay matibay, maasahan, at pang-matagalan. Subok na subok na ang tatak Samsung sa larangan ng gadgets,” patapos na sinabi ni Belmonte []

Comments are closed.