INANUNSIYO ni San Juan Mayor Francis Zamora na makatatanggap ng munting handog ang mga residente sa District 2.
Sa post ng alkalde sa kanyang Facebook account, ngayong araw, Disyembre 22, ay mabibiyaan ng pamaskong handog ang mga resident sa District 2.
Una nang nagregalo si Zamora sa mga taga-District 1 noong Biyernes.
“Maligayang Pasko mga minamahal kong San Juaneño, tanggapin po ninyo ang munting pamaskong handog ng inyong lingkod, Mayor Francis Zamora. Ang schedule po ng District 2 ay sa Linggo, December 22,” ang nakasaad sa social media ng alkalde.
Nangangahulugan na 11 barangay ang magkakaroon ng Pamasko kay Zamora at ang mga ito ay ang West Crame, Onse, Addition Hills, Greenhills, Isabelita, Kabayanan, Little Baguio, St. Joseph, Sta. Lucia, Tibagan at Maytunas. EUNICE C.