NAKUHA ng grupo na pinangungunahan ng diversified conglomerate San Miguel Corp. (SMC) ang privatization project ng operations at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang press briefing, inanunsiyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang SMC-SAP & Company Consortoum ang nanalong bidder ng NAIA Public-Private Partnership (PPP) project makaraang mag-alok ito ng pinakamataas na share ng kanilang future revenues mula sa pagpapatakbo sa airport sa gobyerno.
Ang nanalong grupo ay kinabibilangan ng San Miguel Holdings Corp., RMM Asian Logistics Inc., RLW Aviation Development Inc., at Incheon International Airport Corp.
Nagpasalamat naman ang SMC SAP and Co Consortium sa DOTr sa pagsasagawa ng patas at komprehensibong bidding process.
“We are grateful to the Department of Transportation (DOTr), led by Secretary Jaime Bautista, for conducting a fair and comprehensive bidding process,” pahayag ng consortium sa isang statement.
Pinapurihan din nila ang administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. dahil sa commitment nito na i-modernisa ang NAIA.
“Our proposal is designed not only to elevate NAIA to world-class standards but also to ensure that the government benefits from the most advantageous revenue-sharing agreement. This aims to secure a favorable outcome for our shareholders while prioritizing fairness and long-term sustainability over immediate profits,” sabi pa ng consortium.
“Recognizing the weight of the responsibility entrusted to us, we are committed to collaborating closely with the government and our various stakeholders, harnessing every resource available to us, to transform NAIA into a modern international gateway that Filipinos will be proud of.“