SANCHEZ MAGPOPOKUS SA HANGZHOU ASIAN GAMES

HINDI lalahok si Kayla Sanchez sa world aquatics championships na idaraos sa loob ng walong araw sa Fukuoka upang magpokus sa kanyang kampanya sa Hangzhou 20th Asian Games bilang full-fledged Filipino athlete, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Si Sanchez, 22, ay nagmamay-ari ng isang Olympic silver at tatlong world championships gold medals habang lumalangoy para sa Canada. Bumalik siya sa pagsabak para sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Ayon kay Tolentino, alinsunod sa payo ng kanyang coach, si Sanchez ay nagpasyang magpokus sa Hangzhou Asian Games sa September at hindi na sa world championships na magsisimula sa July 14 sa Fukuoka, Japan.

“I have met with my coach, and we have decided it is best for me not to compete in Fukuoka,” sabi ni Sanchez kay Tolentino.

“This means I can be focused to medal in the Asian Games in September.”

“I have a very intense competition schedule after Asian Games with another world championships and the Olympics,” dagdag pa niya.

Ayon kay Tolentino, tiwala siya sa desisyon ni Sanchez at ng kanyang coach sa pagsabak sa Hangzhou.

“Kayla’s a veteran swimmer, even at only 22, and she and her coach know what’s best,” ani Tolentino.

Sinabi ni Sanchez na nais niyang hintayin ang full confirmation mula sa World Aquatics sa kanyang eligibility na lumahok para sa Pilipinas makaraang katawanin ang Canada, kabilang ang sa Tokyo Olympics kung saan naging bahagi siya ng silver medal-winning 4×100 meters freestyle relay team ng Canada.

“Before I withdraw from the competition I think we should wait until World Aquatics approves my transfer,” aniya.

“At least then we know that I am 100 % cleared to race for the Philippines in the Asian Games.”

Kinailangan ni Sanchez na makumpleto ang isang taong residency sa bansa para makumpleto ang kanyang paglipat.
Pinasalamatan niya si Tolentino sa pag-asikaso sa kanyang paglipat.

“Thank you so much for helping me get the approval from World Aquatics,” sabi niya kay Tolentino. “And I think this is the best decision for me right now and I will make it count next year.”