SANGGOL MUNTIK NANG MAIPUSLIT NG AMERIKANA SA NAIA

sanggol

CAMP CRAME – KINUMPIRMA ni Immigration Port Operation Division Chief Grifton Medina na isang sanggol na mukhang Filipino na nakita ng mga immigration officer ang isinilid sa bag ng isang American sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Sa ambush interview kay Medina sa Camp Crame,  sinabi pa nitong galing sa Davao ang bata na nakasukbit  sa isang tila belt bag  ng Amerikana.

Nang sitahin ng mga immigration officer si alyas Jenny ay rito natukoy na walang papel o dokumento ang bata para ibiyahe.

Dumating sa Filipinas ang Amerikana noong Agosto 28 at kinabukasan ay ipinanganak ang sanggol na senyales na inaba­ngan lamang na mailuwal ito saka tinangkang ipuslit.

Sa ngayon nasa ligtas nang  kondisyon  ang sanggol at nananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dayuhan. REA SARMIENTO

Comments are closed.